Truck vs jeep: 2 patay, 16 sugatan

CAMP OLIVAS, Pampanga – Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi, samantalang may labing-anim na iba pa ang malubhang nasugatan matapos na salpukin ng isang rumaragasang 10-wheeler dump truck ang isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tarlac Road sa Sta Rosa, Nueva Ecija, kamakalawa.

Ayon sa ulat,nakilala ang dalawang nasawi na sina Rogelio Ramos, 37 at Roger Colar, 20, kapwa residente ng Barangay Rajal Sur, Sta. Rosa sa nabanggit na lalawigan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-3:45 ng hapon habang binabagtas ng naturang pampasaherong jeep na may plakang CVH-799 ang nabanggit na lugar ng biglang banggain ng isang rumaragasang 10-wheeler dump truck.

Mabilis namang naaresto ang driver ng truck na nakilalang si Randy Alvarez, 24. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments