Dump truck susunugin kapag nagpumilit
January 2, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Binigyan ng bendisyon ng mga lokal na opisyales ng Rizal ang mga residente dito upang personal na sunugin nila ang mga trak ng basura mula sa Metro Manila kung igigiit ang pagpasok matapos na magsara ito kahapon.
Hindi na nagsagawa pa ng kanilang barikada ang mga residente ng lungsod na ito at ng bayan ng San Mateo matapos na igarantiya sa kanila ni Presidential Adviser on Flagship Projects Secretary Robert Aventajado na wala nang papasok na truck ng basura.
Napag-alaman naman na may ilang dump truck pa ang nagtangkang pumasok sa landfill kahapon ng madaling araw ngunit umatras rin na matapos na harangin ng ilang nagbabantay dito.
Sinabi ni Eleazar Kasilag, ng non-government organization (NGO), ipinanukala ni Governor Casimiro Yñares ang pagsunog ng mga residente sa mga dump truck na ipapasok at binendisyon naman umano ni Aventajado sa ginanap na victory party ng mga residente. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest