Gordon, kinasuhan ng graft and corruption
January 1, 2001 | 12:00am
OLONGAPO CITY Sinampahan ng kasong graft and corruption sa office of the Ombudsman si dating Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Richard Gordon dahil sa umanoy mga Housing units nito sa loob ng Subic Bay Freeport na kanyang ipinamahagi sa kanyang mga kamag-anak at mga kakampi sa pulitika.
Ayon kay Juan Montelibano, Manager ng Land and Estate Department ng SBMA na siya ring nagsampa ng kaso sa tanggapan ng Ombudsman, lumabag umano si Gordon sa Article 216 ng Revise Penal Code section 3 (e,g and h) of the Anti-graft Law (RA 3019).
Idinagdag pa ni Montelibano na kasama sa sinampahan ng kaso ay si dating SBMA Chief Operating Officer (COO) Ferdinand Aristorenas na ngayon ay nanunungkulan bilang City administrator sa lungsod ng Olongapo.
Idinagdag pa nito na ang Board Resolution No. 95-009 ng SBMA o socialized Housing Program ay nagtatakda na ang amortized payment ay sa loob ng sampung taon, ngunit si Gordon ay pinayagang mag-amortize ng kanyang bayad sa loob ng 15 taon.
Pinayagan din umano ni Gordon ang kanyang mga kamag-anak at malapit na kaibigan sa pulitika na mag renta ng mga bahay sa mababang halaga, dagdag ni Montelibano. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended