Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Office (IIO) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), kinilala ang nasawing mountaineer na si Edmund Viado, residente ng No. 27 Damontis Streets, Damar Village, Quezon City at miyembro ng Asia Extreme Adventure Inc.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:35 ng hapon ng maganap ang trahedya sa bulubundukin sa may Upper Mau Camp, Cubi Point sa nabanggit na lugar habang nakalambitin ang biktima ay tinatanggal nito ang lubid na nakakabit sa kanyang beywang ng maaksidenteng mahulog sa bangin.
Ayon naman sa pagsusuri ng SBMA Dispensary Hospital, ang nabanggit na biktima ay nagtamo ng multiple fractured wounds sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan at kinailangan pang dalhin sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) sa Olongapo City subalit idineklarang Dead-on-Arrival ang biktima. (Ulat ni Jeff Tombado)