San Mateo landfill ipinasara na
December 31, 2000 | 12:00am
Tuluyan nang isasara bukas ang San Mateo landfill makaraang hindi mahimok ni Presidential Adviser on Flagship Projects Secretary Robert Aventajado ang mga lokal na opisyales sa lalawigan ng Rizal tungkol sa hiling nito na dalawang buwang ekstensiyon sa nabanggit na landfill.
Gayunman, patuloy na umaasa si Aventajado na gagawin pa rin niya sa abot ng kanyang makakaya na magkaroon ng ekstensiyon dahil sa wala pang malinaw na alternatibong masusulingan matapos na magsampa ng temporary restraining order sa Manila Regional Trial Court ang Pro Environment Consortium noong Disyembre 22 upang pigilan ang paggamit ng landfill sa Semirara Island sa Catuya, Antique.
Ngayon ang huling araw para magamit ang San Mateo landfill at ayon sa mga residente ay hindi na sila papayag pang buksan ito sa pagpasok ng taong 2001. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 23 hours ago
By Cristina Timbang | 23 hours ago
By Tony Sandoval | 23 hours ago
Recommended