^

Probinsiya

Misis ginahasa ng anim na adik

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang 23-anyos na ginang ang iniulat na ginahasa sa harap ng kanyang matalik na kaibigan ng anim na drug addict sa loob ng sasakyan sa madilim na lugar sa kahabaan ng South Expressway sa Barangay Mayapa, Calamba, Laguna, kamakalawa.

Ang biktimang ginang na itinago sa pangalang Merly ng Rizal, Calamba ay kasalukuyan ngayong nasa pangangalaga ng mga awtoridad.

Nabatid na ang mga suspect ay armado ng kalibre.45 baril at pawang nasa impluwensiya ng droga ng gahasain ang biktima sa loob ng nasabing sasakyan.

Nabatid na dakong alas- 12 ng gabi habang hinihintay ng biktima ang kanyang ka-live in sa isang gasolinahan sa Barangay Parian nang hintuan ito ng isang owner type jeep na sinasabing pag-aari ng isang Enrico Legazpi, 23. Niyaya umano ng mga suspect ang biktima na ihahatid na sa kanilang bahay na pinaunlakan naman nito dahil sa kasama ang kanyang matalik na kaibigang babae.

Pagsapit sa madilim na lugar sa South Expressway ay tinutukan na ng mga suspect ng baril ang ginang at sa loob ng sasakyan ito ay hinubaran at saka halinhinang hinalay. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY MAYAPA

BARANGAY PARIAN

CALAMBA

ED AMOROSO

ENRICO LEGAZPI

ISANG

MERLY

NABATID

NIYAYA

SOUTH EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with