Sa ulat na isinumite ng Tarlac Provincial Police Office sa tanggapan ng Central Luzon- PNP, nakilala ang biktima na si Maria Elena Quiballo, 57, residente ng Barangay San Vicente sa naturang lalawigan.
Magang-maga ang ari at mukha ng biktima nang matagpuan ng pulisya sa isang abandonadong subdibisyon sa nasabing lugar at halos mapuno ng mga pasa sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan tanda na dumanas ito ng matinding pahirap sa mga suspect bago tuluyang pinatay.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, huli umanong nakitang buhay ang biktima isang araw bago nadiskubre ang bangkay nito na pilit na isinasama ng dalawang hindi nakikilalang lalaki .
Lumipas ang isang araw ay natagpuan ang bangkay nito sa madamong lugar sa Magsaysay Subdivision na doon hinihinalang itinapon ng mga salarin ang bangkay nito.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Jeff Tombado)