Ayon kay Superintendent Conrado Laza, city police director na ang naturang homemade bomb na gawa sa incendiary chemicals at metal shreds ay sumabog sa may gate ng bahay ni Ustadz Mohammad Suib Abedin sa Acheron Village, Lote, Calumpang dakong alas- 8 ng gabi kamakalawa.
Dahil sa lakas nang pagsabog tatlo pang kabahayan malapit sa bahay ni Abedin ang bahagya ding nawasak.
Nakilala ang mga sugatan na sina Estadz Abdul Kader, 45; Cheryl Mancao, 18; Charlie Jay Opao, 12; Jose Quezon, 30; ang misis nitong si Vilma, 30 at isang sanggol na nakilalang si Laurie Claire.
Binanggit pa ni Abedin na ilang araw bago naganap ang pagsabog ay napansin na nila ang ilang hindi nakikilalang kalalakihan na nag-iikot sa naturang lugar. Inamin din nito na nakakatanggap din siya ng mga pagbabanta sa buhay buhat sa hindi nagpakilalang grupo.
Si Abedin, na kilalang anchor sa isang programa sa local radio ay nagsabing malaki ang kanyang paniwala na ang naturang pagpapasabog ay may kinalaman sa kanyang mga ginagawang komentaryo sa kanyang programa sa radyo. (Ulat ni Allen Estabillo)