39 MILF rebels sumuko

Bilang pagbibigay halaga sa diwa ng kapaskuhan sa hangaring makapagbagumbuhay at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay, 39 na miyembro ng separatistang mga rebeldeng MILF ang nagpasyang sumuko sa South Cotabato, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame ang mga nagsisukong rebelde ay pinamumunuan ni Sansalona Kakakua, alyas Commander Black Fighter. Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng 13 matataas na kalibre ng baril.

Binanggit pa na hindi na umano makatagal pa ang grupo ni Black Fighter sa matinding hirap na kanilang dinaranas sa kabundukan bunga na rin ng nagaganap na demoralisasyon sa hanay ng pamunuan ng MILF. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments