Puso ng 59-anyos na lalaki dinukot
December 23, 2000 | 12:00am
BAGUIO CITY - Nahaharap pa rin sa blank wall ang mga tauhan ng pulisya dito kaugnay sa pagkamatay ng isang 59-anyos na lalaki na tinanggalan ng puso ng hindi pa nakikilalang salarin , kamakalawa ng gabi sa Barangay Bakakeng dito.
Ang biktima ay nakilalang si Jaime Gonzales , ng Old Site, Bakakeng na nakitang wala nang puso nang matagpuan ng mga pulis sa ilang na lugar dito.
Maliban sa walang puso itong biktima ay tadtad din ito ng saksak sa katawan.
Sinabi ng mga residente na nakita nila na may nakahandusay na bangkay sa isang bangin dito at ng kanilang tunguhin ay gumulantang sa kanila ang bukas na dibdib ng biktima na walang puso.
Malaki ang paniwala ng pulisya na may matinding galit sa biktima ang mga salarin kung kaya nagawang kunin ang puso nito. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest