^

Probinsiya

Misis hinoldap na, tinodas pa

-
LUPI, Camarines Sur - Isang bangkay ng isang misis ang natagpuan kamakalawa ng umaga na nakahandusay sa isang madamong lugar sa Sitio Bulalacao, Barangay Barrera sa bayang ito.

Nakilala ang biktima na si Racquel Mania, 34, ng Barangay Cristo Rey sa naturang bayan. Sa ulat ng pulisya dakong alas- 6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na may mga taga sa leeg at katawan. Batay sa pagsisiyasat umalis ng bahay ang biktima noong nakalipas na Martes na may dalang pera na nagkakahalaga ng P3,300 na gagamitin sa pamimili.

Subalit hindi na nakauwi pa ang biktima sa kanilang bahay ng araw na iyon hanggang sa makita ang labi nito kinabukasan.

Natagpuan ang bangkay ng biktima may tatlong kilometro ang layo sa kanilang bahay.

May teorya ang pulisya na posibleng hinoldap ang biktima na maaaring nanlaban sa mga suspect kaya tuluyang pinatay. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY BARRERA

BARANGAY CRISTO REY

BATAY

BIKTIMA

CAMARINES SUR

ED CASULLA

ISANG

NAKILALA

RACQUEL MANIA

SITIO BULALACAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with