33 kilo na shabu ibinaon sa lupa, nasamsam
December 19, 2000 | 12:00am
STA CRUZ, Zambales Nasamsam kamakalawa ng mga tauhan ng PNP ang may 33 kilo ng shabu sa isang raid na isinagawa sa baybayin ng bayang ito.
Tinatayang umaabot sa P66 milyon ang halaga ng mga ilegal na droga na ibinaon sa bakuran ni Rafael Mahusay, 27, residente ng Barangay Lucapon dito.
Nabatid sa ulat na ang mga shabu ay nasa loob ng dalawang itim na plastic container na may nakasulat na Guan Goong 30.
Sinasabing wala si Mahusay sa kanyang bahay nang sumalakay ang pulisya.
Ang raid ay isinagawa matapos na makatanggap ng tip ang PNP mula sa isang informant. (Ulat ni Bebot Sison Jr.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest