^

Probinsiya

Lola, sinuwag ng motorsiklo, patay

-
TAYTAY, Rizal - Dahil sa walang nagmagandang-loob na tumulong sa pagtawid sa kalsada, isang 73-anyos na lola, ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng isang motorsiklong humahagibis, kamakalawa ang gabi sa bayang ito.

Idineklarang patay sa Ryan Anthony Hospital ang biktimang is Cecilla Apante ng Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Samantala, kusang-loob naman sumuko sa pulisya ang driver ng motorsikong si Jeffrey Cruz, 21 ng No. 40 Rizal Avenue Brgy. San Isidro ng bayang ito.

Si Cruz na pinaniniwalaang nakainom ng alak ay driver ng motorsiklong Honda na may plakang PG4320.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas 9:30 ng gabi sa kahabaan ng L. Wood St., sa Brgy. Dolores.

Hindi umano nakita ni Cruz ang biktima na tumatawid dahil sa madilim at walang anumang ilaw sa poste sa nasabing lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

CECILLA APANTE

DANILO GARCIA

JEFFREY CRUZ

RIZAL

RIZAL AVENUE BRGY

RYAN ANTHONY HOSPITAL

SAN ISIDRO

SI CRUZ

WOOD ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with