Barangay konsehal tiklo sa kasong murder
December 16, 2000 | 12:00am
CABUYAO, Laguna Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng 4th Criminal Investigation and Detection Group ang isang barangay konsehal na pangunahing suspect sa pagpaslang sa isang 45-anyos na obrero sa isinagawang police operation sa Barangay Sala , dito, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Alejandro Mateo, 4CIDG chief ang suspect na si Buenaventura Aragon, 49, alyas Ben Aguroy at nakatira sa Barangay Matikiw, Pakil, Laguna at kasalukuyang konsehal sa nasabing lugar.
Sinabi ni Mateo na si Aragon ay pangunahing suspect sa pagpaslang sa isang obrero na nakilala sa pangalang Bayani na pinagsasaksak sa loob ng kanilang bahay noong Hunyo 2000. Mariin namang itinanggi ni Aguroy ang krimen .
Si Aguroy ay dinakip sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest na inisyu ni Judge Nicolas Fadul Jr., ng 5th MCTC. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Jorge Hallare | 13 hours ago
Recommended