Misis hinatulang mabitay dahil sa droga
December 14, 2000 | 12:00am
Hindi pa man nareresolba ang umanoy anomalya sa kautusan ni Pangulong Estrada na ibaba ang sentensya ng 1,500 death row convict ay may isa na namang babaeng drug pusher at asawa nito ang nahatulan ng Mababang Korte ng parusang kamatayan.
Ito ang isiniwalat kahapon ni Bohol Rep. Ernesto Herrera matapos sentensyahan ng Laguna Regional Trial Court ng parusang kamatayan ang mag-asawang sina Vilam at Arsenio Almedras dahil sa illegal na droga.
Ang dalawa ay nahulihan ng mga alagad ng batas ng 991 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.98 milyong piso sa isang sting operation sa isang resort sa Barangay Pansol, Calamba, Laguna noong 1988.
Bukod pa sa death penalty, ginawaran din ang mag-asawa ng multang nagkakahalaga ng P2 milyon sa bawat ulo nila ni Judge Norberto Geraldez.
Si Vilam ay ang pang-29 na babaeng nabigyan ng hatol na kamatayan. Samantala, pang 52 at 53 naman ang dalawa sa posibleng mamatay sa lethal injection sa darating na 2001 simula ng igawad muli ang parusang kamatayan na nagsimula noong 1994. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended