Mayor, inireklamo ng panunutok at pamamaril
December 13, 2000 | 12:00am
LUCENA CITY Ipaghaharap ng kaso sa hukuman ang alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Quezon matapos na ito ay manuntok at mamaril ng isang kawani ng gobyerno habang idinaraos ang christmas party ng mga barangay captain sa Pagbilao, Quezon, kamakailan.
Nakilala ang inireklamong mayor na si Romeo Portes, ng Pagbilao, Quezon, samantalang ang sinuntok at binaril nito ay si Louie Isidro, Lucena City Auction Market coordinator.
Base sa salaysay ni Isidro sa mga mamamahayag, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw noong Sabado sa loob ng municipal covered court ng Pagbilao, Quezon.
Kasalukuyan umanong nagkakasayahan ang mga kapitan ng barangay kaugnay ng ginaganap na christmas party nang biglang lapitan ng nabanggit na mayor si Isidro.
Sinabi pa nito na pagkabagsak niya sa lapag ay binaril pa siya ng mayor at sa kabutihang palad ay hindi siya tinamaan.
Dahil umano sa nilikhang kaguluhan ng alkalde ay nagtakbuhan na palabas ang mga tao .
Binanggit pa ni Isidro na pinagsususpetsahan siya ni Portes na nagkakalat ng ulat tungkol sa kasong graft and corruption nito na siya nitong ikinagalit.
Hindi naman agad nakunan ng pahayag ang mayor tungkol sa naturang akusasyon. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest