^

Probinsiya

Binatang napagalitan ng ama, nag-suicide

-
TANAY, Rizal — Dahil sa matinding kahiyaan makaraang pagalitan ng kanyang ama dahil sa palpak na trabaho niya sa kanilang upholstery shop, tatlong beses na sinaksak ng isang 19-anyos na binata ang kanyang sarili na naging dahilan ng kanyang kamatayan, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Kinilala ni SPO1 Joseph Puebio, ang nasawi na si Aristotle Idmilao, helper sa pag-aari nilang shop at residente ng Barangay Plaza, Aldea, Tanay.

Nabatid pa sa pagsisiyasat na nakasagutan ni Aristotle ang kanyang ama na si Arnulfo, 53, kamakalawa ng hapon matapos na pagalitan nito ang biktima dahil sa pangit na trabaho nito sa isa nilang kostumer. Pinagsabihan umano ng ama ang biktima na wala itong magawang mabuti kahit na paulit-ulit siyang tinuturuan. Labis namang dinamdam ng nasawi ang mga sinabi ng ama.

Dakong alas- 11:30 ng gabi habang nagtatrabaho sa shop si Aristotle ay nakita ito ng kanyang ama. Dahil dito, inutusan ng kanyang ama ang nasawi na pumasok na sa bahay at magpahinga na at ipagpabukas na lamang ito.

Matapos ang ilang minuto, nakarinig na lang si Arnulfo ng galit na sigaw ng kanyang anak sa loob ng shop. Nang kanyang puntahan nakita nito na nakahandusay ang anak at umaagos ang dugo mula sa dibdib nito at kapit ang isang patalim. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMA

ARISTOTLE IDMILAO

ARNULFO

BARANGAY PLAZA

DAHIL

DAKONG

DANILO GARCIA

JOSEPH PUEBIO

KANYANG

KINILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with