^

Probinsiya

Malupit na ama tinodas ng anak

-
CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang 16-anyos na lalaki ang nakakulong ngayon sa piitan matapos nitong pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kanyang sariling ama sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Capitangan, Abucay, Bataan kamakalawa.

Sa ulat na isinumite ng Bataan Provincial Police Office (BPPO) kay Police Regional Officer 3 Director Chief Supt. Roberto Calinisan, kinilala nito ang biktimang si Teodoro Soriano, 41, at ang suspek na si Jaime, 16, kapwa naninirahan sa Brgy.Capitangan, Abucay sa nasabing lalawigan.

Ang biktima ay namatay noon din sa pinangyarihan sanhi ng tinamong malalalim na tama ng saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-10:15 ng gabi sa nabanggit na lugar nang umuwi umano sa bahay na lasing ang biktima at nadatnan ang kanyang anak na si Jaime.

Sa hindi nabatid na kadahilanan ay nagalit ang biktima sa kanyang anak hanggang sa walang sabi-sabing pagpapaluin ng isang matigas na bagay ang ulo ng anak.

Sa kabila ng hindi paglaban ni Jaime sa kanyang ama ay nagawa pa umano nitong awatin ang ginagawang pananakit ng kanyang ama sa kanya hanggang sa dumampot ng kutsilyo ang ama nito na aktong sasaksakin si Jaime.

Sinasabing sa matinding takot umano ni Jaime na sasaksakin siya ng ama ay mabilis na inagaw nito ang patalim at ayon sa ulat ay nagdilim umano ang paningin ni Jaime kaya’t pinagsasaksak nito ang kanyang ama.

Nabatid pa sa ulat na bago naganap ang krimen, madalas umanong makaranas ng kalupitan si Jaime mula sa mga kamay ng kanyang ama kapag nalalasing ito sa alak.

Kasalukuyang nakadetine sa Abucay police detention cell si Jaime kasabay ng pagsasampa ng pulisya sa korte ng kasong parricide laban dito. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ABUCAY

AMA

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

BRGY

CAPITANGAN

DIRECTOR CHIEF SUPT

JAIME

JEFF TOMBADO

KANYANG

POLICE REGIONAL OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with