Ang biktima ay nakilalang si Josephine Silva, 1st year high school student ng St. Michael Academy at residente sa naturang lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang ama na si Domingo Silva dakong alas- 4 ng madaling araw sa loob ng kanyang kuwarto.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya ang nasawi ay natatalian ng kumot sa leeg at ang kabilang dulo ay nakatali sa isang wooden hanging cabinet.
Napag-alaman na ang posisyon ng bangkay ng biktima ng ito ay abutan ng mga imbestigador ay nakaluhod sa sahig.
Lumalabas sa imbestigasyon na may posibilidad na may naganap na ‘foul play ‘ sa pagkamatay ni Josephine. (Ulat ni Ed Casulla)