Nene nagbigti ?
December 9, 2000 | 12:00am
OAS, Albay – Isang masusing imbestigasyon ang isinagawa ng mga awtoridad matapos na ang isang 13-anyos na nene ay matagpuan ng kanyang ama na nakabitin sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa Barangay Bagumbayan sa bayan na ito, kamakalawa ng madaling araw.
Ang biktima ay nakilalang si Josephine Silva, 1st year high school student ng St. Michael Academy at residente sa naturang lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang ama na si Domingo Silva dakong alas- 4 ng madaling araw sa loob ng kanyang kuwarto.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya ang nasawi ay natatalian ng kumot sa leeg at ang kabilang dulo ay nakatali sa isang wooden hanging cabinet.
Napag-alaman na ang posisyon ng bangkay ng biktima ng ito ay abutan ng mga imbestigador ay nakaluhod sa sahig.
Lumalabas sa imbestigasyon na may posibilidad na may naganap na ‘foul play ‘ sa pagkamatay ni Josephine. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Doris Franche-Borja | 12 hours ago
By Jorge Hallare | 12 hours ago
Recommended