^

Probinsiya

Civilian agent ng NBI tinodas dahil sa masamang tingin

-
IMUS, Cavite – Dead on spot ang isang civilian agent ng NBI makaraang pagbabarilin ng ka-barangay nito dahil lamang sa umano’y masamang tingin, kahapon ng madaling araw sa Barangay Anabu sa bayang ito.

Nakilala ang nasawing biktima na si Lyndon Losantas, ng Barangay Anabu 1-C ng nabanggit na bayan.

Samantalang ang suspect na mabilis na tumakas tangay ang ginamit na baril matapos ang isinagawang krimen ay nakilalang si Rudywick Espiritu.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-3:35 ng madaling araw habang ang biktima ay naglalakad sa naturang lugar papauwi sa kanilang bahay nang masalubong ang suspect.

Nagkatinginan umano ang dalawa na inakala naman ng suspect na may balak na masama sa kanya ang biktima kung kaya mabilis itong nagbunot ng baril at pinaputukan si Losantas.

Matapos ang ginawang pamamaril mabilis na tumakas ang suspect.

Isang malawakang paghahanap naman ang inilunsad ng mga tauhan ng pulisya para sa ikadarakip ng suspect. (Ulat ni Cristina Timbang)

vuukle comment

BARANGAY ANABU

BATAY

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

ISANG

LOSANTAS

LYNDON LOSANTAS

MATAPOS

NAGKATINGINAN

RUDYWICK ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with