Trader todas sa ambush
December 3, 2000 | 12:00am
Namatay noon din ang isang negosyante, habang malubha namang nasugatan ang kasamahan nito makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Cotabato City, kahapon ng umaga .
Nakilala ang nasawing trader na si Zacarias Awal, 43, samantalang sugatan naman ang kasama nitong si Nasir Kingston, 29, kapwa residente ng Talayan, Maguindanao.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-8:45 ng kahapon ng umaga ng maganap ang pangyayari. Lulan umano ng isang tricycle ang mga biktima nang biglang tambangan ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa may Luna St., Cotabato City.
Ayon sa ulat, namatay noon din si Awal sanhi ng tinamo nitong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan, samantalang nasa kritikal na kondisyon naman si Kingston.
Mabilis na nagsitakas ang mga salarin matapos ang isinagawang pamamaslang patungo sa hindi pa mabatid na lugar.
Malaki ang hinala ng pulisya na alitan sa negosyo ang motibo sa isinagawang pananambang.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre. 45 pistola, isang .22 magnum pistol at mga basyo ng .45 pistol at .9mm.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng Cotabato Police patungkol sa insidente. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest