Ito ay ayon na rin sa ilang mga residente na lubusang nakakakilala sa mga opisyal at miyembro ng grupo.
Ayon na rin sa impormasyon mula sa isang nagngangalang Hammin, dating ka-miyembro sa grupo ni Abu Sabaya sa isang panayam sa telepono kamakalawa, hindi totoo na patay na si Sabaya sa katunayan umano ay patuloy pa rin itong nakakausap ng asawa ni Edward Craig Schilling na si Ivy Hussani.
Ibinunyag pa ni Hammin na ang ginawang pagtugis kina Robot ng militar noong nakaraang buwan ay maituturing na hindi dibdiban, kung saan ang mga naging biktima sa isinagawang opensiba ay mga sibilyan.
" Hindi nila papatayin si Robot dahil mawawalan sila ng negosyo", dagdag pa ni Hammin.
Ayon sa kanya imposible umanong sa ilang buwang pagtugis gamit ang matataas na kalibre ng armas kasama pa ang mga military war planes, helicopter gunships at sa dami umano ng mga sundalo na tumugis sa mga lider ng ASG ay hindi makayanang dakpin ng patay man o buhay ang mga ito, samantalang ang Jolo umano ay isang maliit lamang na isla na may lawak na 58 kilometro ang haba. (Ulat ni Rose Tamayo)