^

Probinsiya

Abu Sabaya hindi totoong patay

-
Taliwas sa mga ipinalabas na matitigas na pananalita ni Pangulong Joseph Estrada noong buwan ng Oktubre na pulbusin ang bandidong grupo ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu sa loob lamang ng isang linggo, ay malaya pa ring nakakaikot sa naturang lugar ang grupo na kinabibilangan ng matataas na lider na sina Kumander Ghalib Andang , alyas Robot at Abu Sabaya.

Ito ay ayon na rin sa ilang mga residente na lubusang nakakakilala sa mga opisyal at miyembro ng grupo.

Ayon na rin sa impormasyon mula sa isang nagngangalang Hammin, dating ka-miyembro sa grupo ni Abu Sabaya sa isang panayam sa telepono kamakalawa, hindi totoo na patay na si Sabaya sa katunayan umano ay patuloy pa rin itong nakakausap ng asawa ni Edward Craig Schilling na si Ivy Hussani.

Ibinunyag pa ni Hammin na ang ginawang pagtugis kina Robot ng militar noong nakaraang buwan ay maituturing na hindi dibdiban, kung saan ang mga naging biktima sa isinagawang opensiba ay mga sibilyan.

" Hindi nila papatayin si Robot dahil mawawalan sila ng negosyo", dagdag pa ni Hammin.

Ayon sa kanya imposible umanong sa ilang buwang pagtugis gamit ang matataas na kalibre ng armas kasama pa ang mga military war planes, helicopter gunships at sa dami umano ng mga sundalo na tumugis sa mga lider ng ASG ay hindi makayanang dakpin ng patay man o buhay ang mga ito, samantalang ang Jolo umano ay isang maliit lamang na isla na may lawak na 58 kilometro ang haba. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

AYON

EDWARD CRAIG SCHILLING

HAMMIN

IVY HUSSANI

JOLO

KUMANDER GHALIB ANDANG

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with