^

Probinsiya

Drug pusher na binibistahan sa korte, natigok

-
LUCENA CITY – Namatay habang binibistahan sa isang korte sa Regional Trial Court ng lungsod na ito ang isang suspected drug pusher makaraang atakihin sa puso sa loob mismo ng korte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Paulino Mendez, residente ng Purok 3-B, Barangay Dalahican ng lunsod na ito.

Si Mendez ay may tatlong kasong kinasasangkutan, kabilang dito ang dangerous drugs act at illegal possession of firearms.

Si Mendez ay inaresto kasama ang kanyang asawa na si Ludy noong nakalipas na Agosto 28, 1999 kung saan nakumpiska dito ang may 240 gramo ng shabu.

Ayon sa report, bandang ala- 1 ng hapon habang nasa loob ng korte ang suspect at dinidinig ang kaso ay bigla na lamang itong nabuwal.

Isinugod si Mendez sa pinakamalapit na pagamutan subalit hindi na nagawa pang maisalba ang buhay. (Ulat ni Celine Tutor)

vuukle comment

AGOSTO

AYON

BARANGAY DALAHICAN

CELINE TUTOR

ISINUGOD

KINILALA

LUDY

PAULINO MENDEZ

REGIONAL TRIAL COURT

SI MENDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with