Lider ng 'Cable Gang' nasakote
November 30, 2000 | 12:00am
Camp Vicente Lim, Calamba Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng 4th Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang magkaibigan na umano ay lider ng tinaguriang " Cable Gang " na nagnanakaw ng mga kawad ng kompanya ng PLDT at sumasabotahe ng mga linya ng telepono sa ibat-ibang parte ng Cavite sa isinagawang police operation sa Barangay San Agustin ll, Dasmariñas, Cavite, kahapon.
Kinilala ni Police Superintendent Alejandro Mateo, CIDG4 Regional Officer, ang nadakip na magkaibigan na sina Reynaldo Avila, alyas Rey at Virgilio Guillefa, alyas Boy , kapwa naninirahan sa Dasmariñas, Cavite.
Binanggit ng pulisya na ang grupo ng mga suspect ay responsable sa mga nakawan ng kawad ng PLDT sa Cavite.
Idinagdag pa nito na isang linggong surveillance operation ang isinagawa ng kanyang mga tauhan sa hinihinalang hideout ng mga suspect matapos magsadya at magharap ng reklamo ang mga opisyal ng naturang kompanya sa himpilan ng pulisya.
Narekober ng mga operatiba sa mga suspect ang ilang mamahalin at mahahabang kawad na pag-aari ng kompanya ng PLDT sa kanilang hideout.
Inaresto ng mga awtoridad ang mga suspect sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Lucenito Tagle ng RTC Branch 20, ng Imus, Cavite. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 14 hours ago
By Cristina Timbang | 14 hours ago
By Tony Sandoval | 14 hours ago
Recommended