1 pang bus sinunog ng NPA rebels
November 29, 2000 | 12:00am
GUINYANGAN, Quezon Hindi pa man ganap na nalulutas ng mga awtoridad ang kaso ng panununog na isinagawa ng mga rebeldeng NPA sa isang aircon bus na pag-aari ng JAC Liner ay isinunod namang sunugin ng mga rebelde ang bus na pag-aari ng JAM Liner, kamakalawa ng hapon sa Quirino Highway na sakop ng Barangay Silang sa bayang ito.
Tupok na tupok at wala na halos mapapakinabangan sa JAM Bus na may plakang NXL-602 nang ito ay iwanan ng mga rebeldeng hinihinalang kasapi ng Maxell na kumikilos sa Bondoc Peninsula.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Zosito Alcantara, may hawak ng kaso, dakong alas-5 ng hapon ng ang naturang ordinary bus na minamaneho ni Rico Balmes ay dumaraan sa Quirino Highway patungo sa Tagkawayan, Quezon ng ito ay parahin ng isang lalaki.
Pagkahintong-pagkahinto pa lamang ng bus ay nagsakayan dito ang 12 kalalakihan na pawang nakasuot ng fatigue uniform at pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at agad na nagpakilalang mga kasapi ng NPA.
Pinababa ng mga suspect ang lahat ng sakay ng bus at pagkaraan ay binuhusan ng gasolina ang sasakyan at saka sinunog.
Habang nagliliyab umano ang kabuuan ng bus ay nagsitakas ang mga rebelde patungo sa bulubunduking bahagi ng naturang barangay. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am