2 rebelde patay sa engkuwentro
November 29, 2000 | 12:00am
Dalawang miyembro ng mga rebeldeng NPA ang iniulat na nasawi matapos ang may ilang minutong pakikipagsagupa sa mga kawal ng pamahalaan sa lalawigan ng Misamis Oriental, kamakalawa ng madaling araw.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong alas- 12:45 ng madaling araw habang nagsasagawa ng combat patrol operations ang mga tauhan ng 9th Infantry Battalion sa bahagi ng Sitio Sibulig, Barangay Lunotan, Gongoog City ng makasagupa ng mga ito ang grupo ng mga rebeldeng NPA.
Kinilala ang mga nasawing rebelde na sina Christopher Bucio, alyas Ka Dante at Ernesto Ismas.
Bigla na lamang umanong pinaulanan ng punglo ng mga rebelde ang tropa ng mga sundalo na gumanti naman nang pagpapaputok. Tumagal ng may ilang minuto ang labanan hanggang sa mapatay ang dalawang rebelde.
Ang dalawang nasawing rebelde ay inabandona ng mga kasamahan nitong mabilis na nagsitakas.
Narekober sa pinangyarihan ng labanan ang isang shotgun at .38 cal. rev. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest