^

Probinsiya

Lola nadaganan ng truck, todas; 5 pa sugatan

-
STA. ELENA, Camarines Norte — Isang 70-anyos na lola ang iniulat na nasawi, samantalang lima pa ang malubhang nasugatan makaraang madaganan ang mga ito ng isang Isuzu truck sa panulukan ng Maharlika at Quirino Highway sa Barangay Tabagon sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ang nasawing lola ay nakilalang si Maria Hayag, fish vendor.

Samantalang hindi agad nakuha ang pangalan ng lima pang sugatan na pawang isinugod sa ibat-ibang pagamutan.

Batay sa natanggap na ulat ng Kampo Semion Ola, ang trahedya ay naganap dakong alas-8 ng umaga habang ang Isuzu truck na may plakang WAP-998 na minamaneho ni Arsenio Macapagal ay patungong Metro Manila buhat sa Naga City.

Nabatid na ang naturang truck ay puno ng mineral feeds na dadalhin sa ibat-ibang kostumer sa Metro Manila.

Napag-alaman na habang binabagtas ng naturang sasakyan ang nabanggit na lugar sa isang kurbada ay nawalan ito ng kontrol at nahulog sa gilid ng kalsada at doon naman nadaganan ang mga biktima.

Mabilis namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ARSENIO MACAPAGAL

BARANGAY TABAGON

CAMARINES NORTE

ED CASULLA

ISUZU

KAMPO SEMION OLA

MARIA HAYAG

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with