^

Probinsiya

Barangay tanod na umawat sa gulo, natodas

-
MATNOG, Sorsogon — Isang barangay-tanod ang iniulat na sinaksak at napatay habang umaawat sa isang gulo ng kabataan sa Barangay Sinangatan sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Ben Bartolata, 30, at residente sa nasabing lugar.

Samantala, ang suspect na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen ay nakilalang si Joven Letada, 23, binata, ng Barangay Manbahog ng nabanggit na bayan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi habang ang biktima ay umaawat sa isang gulo ng mga kabataan sa kanilang lugar.

Papauwi na noon ang biktima sa kanilang bahay nang madaanan ang rumble kaya naglakas loob ito na umawat upang hindi na dumami pa ang masaktan.

Sa kabila ng mahinahong pag-awat ay siya ang pinagbuntunang saksakin ng suspect.

Si Bartolata ay nagtamo ng saksak sa puso na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspect. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY MANBAHOG

BARANGAY SINANGATAN

BATAY

BEN BARTOLATA

ED CASULLA

ISANG

JOVEN LETADA

KASALUKUYANG

NAKILALA

SI BARTOLATA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with