2 pulis nagsuntukan sa harap ng PNP opisyal
November 24, 2000 | 12:00am
LUCENA CITY Nanganganib na maipatapon sa ibang bayan ang dalawang aktibong miyembro ng pulisya sa bayang ito matapos na ang mga ito ay magsuntukan sa harapan ng kanilang mataas na opisyal, kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang dalawang nagsuntukang pulis na sina SPO4 Numeriano Aguilar at SPO3 Jhonny Escalderon, kapwa nakatalaga sa subpoena and warrant section ng Lucena police.
Naganap ang pagsusuntukan ng dalawang pulis dakong alas-9:00 ng umaga sa mismong opisina ni Supt. Amado Hernandez, deputy chief of police ng Lucena.
Nabatid na ang dalawa ay may matagal ng alitan at ng magpanagpo sa harapan ni Supt. Hernandez ay agad na nagpalitan ang mga ito ng maaanghang na salita na nauwi sa suntukan.
Mabilis na dinisarmahan ni Hernandez at ni Chief Inspector Nelson Lequin ang dalawang pulis upang hindi na lumala pa ang sitwasyon at kinalaunan ay naawat rin ang mga ito.
Ayon kay Hernandez, sa panayam ng mga mamamahayag na hinayaan niyang magsuntukan ang dalawang pulis sa kanyang harapan upang matapos na ang alitan ng mga ito.
Nagkamay umano ang dalawa pagkatapos na magsuntukan, gayunman ay nangangamba ang ilang insiders sa Lucena police na maaaring hindi pa tapos ang alitan nina Aguilar at Escalderon at dapat na patawan ang mga ito ng disciplinary action. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest