Magkapatid na arsonist nasakote
November 23, 2000 | 12:00am
Inaresto kahapon ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang magkapatid na pangunahing suspect sa panununog sa isang textile factory sa Meycauayan, Bulacan, kamakailan.
Kinilala ni NBI Officer-in-Charge Deputy Director Carlos Caaboy, ang dalawang dinakip na sina Lorenzo Dacara, 30, security guard ng Five Security Agency at ang kanyang kapatid sa ina na si Bobby Veras, kapwa residente ng Pandayan, Bulacan.
Nabatid mula sa pagsisiyasat ng NBI na pakana ni Dacara ang panununog ng MRC Textile Inc. na nasa Maihacan ng nasabing lalawigan noong nakalipas na Nobyembre 1 kung saan umabot sa P26 milyon ang halaga ng natupok na mga ari-arian.
Aniya, ang sunog ay nagmula sa opisina ng may-ari ng nasabing pabrika na si Mike Cruz dakong alas-8:30 ng gabi at mabilis itong kumalat sa buong pabrika.
Sa ginawang imbestigasyon, sinabi ni Dacara na nais lamang umano niyang makaganti sa security agency na kanyang pinapasukan dahil sa pag-aalis sa kanya sa nasabing pabrika. Binanggit nito na nagbabakasyon lamang siya at nang bumalik ay ibang guwardiya na ang nakapuwesto dito.
"Wala po akong masasabi sa amo ko sa textile, kaya ko naman nagawa yon ay dahil sa galit ko sa security agency ko, kasi noong humingi ako ng bakasyon ay hindi na nila ako pinabalik at may iba nang ipinalit sa akin," pahayag pa ni Dacara. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Cristina Timbang | 20 hours ago
By Tony Sandoval | 20 hours ago
Recommended