^

Probinsiya

British national, misis kinatay ng manliligaw

-
PLACER, Masbate – Pinaniniwalaang love triangle ang dahilan sa naganap na pananaksak na nagresulta sa pagkasawi ng isang British national at asawa nito sa Sitio Gamay, Barangay Villa Inocencio sa bayan na ito, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mag-asawang nasawi na sina Andrew Rossal, 40, British national, negosyante at ang Pinay na asawa nito na si Salvacion, 32, kapwa residente sa naturang lugar.

Samantala, ang suspect na tumakas matapos ang isinagawang krimen ay nakilalang si Cyrus Almocera, 29, alyas Daryo, binata at residente ng Barangay Ibingay, Masbate City.

Base sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas- 7:30 ng gabi habang ang mag-asawang biktima ay nasa loob ng kanilang bahay nang biglang dumating ang suspect na armado ng patalim.

Walang sabi-sabing inundayan ng suspect ng sunud-sunod na saksak ang mag-asawa na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga ito.

Napag-alaman na ang suspect ay masugid na nanliligaw sa misis ng dayuhan subalit hindi ito pinapansin ng babae dahil sa tahimik ang kanyang buhay sa piling ni Andrew.

Posible umano na hindi matanggap ng suspect ang kanyang kabiguan kaya’t pinatay ang mag-asawa.

Matapos ang isinagawang krimen mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na patalim sa mga biktima.

Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng pulisya laban sa tumakas na suspect. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ANDREW ROSSAL

BARANGAY IBINGAY

BARANGAY VILLA INOCENCIO

CYRUS ALMOCERA

DARYO

ED CASULLA

ISANG

MASBATE CITY

SITIO GAMAY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with