^

Probinsiya

UFO sa Pampanga iimbestigahan ng PAG-ASA

-
MABALACAT, Pampanga – Inaasahang darating ngayong araw na ito dito ang government team na nagsisiyasat ukol sa mga Unidentified Flying Object (UFO) para magsagawa ng imbestigasyon ukol sa misteryosong liwanag na nagsasayaw sa kalangitan na nasaksihan sa loob ng may limang oras sa bayang ito at sa karatig Angeles City, noong nakalipas na Biyernes ng gabi.

Kasabay nito, inihayag ni Elmor Escocia, chief ng UFO team ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may sampung katao rin ang nagsasabing nasaksihan nila ang nagliliwanag na UFO na lumanding sa isang lugar sa Kabangkalan sa Negros Occidental noong nakalipas na Setyembre 23.

Idinagdag pa ni Escocia na maraming mga testigo ang nagsabing nakita nila ang UFO na may nakakasilaw na mga ilaw at lumanding dakong alas-8:45 ng gabi. Ang iba pang detalye tungkol dito ay patuloy pang kinakalap ng UFO team, pahayag ni Escocia.

Ipinaliwanag pa nito na nagpasya ang UFO team na siyasatin ang ‘dancing light phenomenon’ dito matapos na igiit ng mga testigo ang tungkol sa misteryosong liwanag na kanilang nasaksihan dakong alas-6 hanggang alas-11 ng gabi noong nakalipas na Biyernes.

Binanggit pa ni Escocia na ang kahalintulad na phenomenon ang iniulat din noong nakalipas na Pebrero ng nagdaang taon sa Caloocan City at Marilao, Bulacan, gayunman nabatid sa isinagawang imbestigasyon na ang naturang liwanag sa kalangitan ay buhat sa malakas na ilaw na ginagamit sa karaoke bar sa Marilao.

Ipinaliwanag naman ni Escocia na nagkaroon ng interes ang kanilang grupo na siyasatin ang insidenteng naganap dito noong nakalipas na Biyernes dahil na rin sa ulat ng mga testigo na nakita nila ang liwanag kahit na walang ulap, hindi katulad ng insidenteng naganap sa Marilao. (Ulat ni Ding Cervantes)

vuukle comment

ANGELES CITY

BIYERNES

CALOOCAN CITY

DING CERVANTES

ELMOR ESCOCIA

ESCOCIA

MARILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with