^

Probinsiya

Ama na nagbenta ng kalabaw, pinatay ng anak

-
LEON, Iloilo – Dahil sa ginawang pagtatanggol sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki, nagawang barilin at mapatay ng isang 19-anyos na lalaki ang sariling ama noong biyernes ng umaga sa brgy. Agboy, may 28 kilometro ang layo mula sa Iloilo City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ricardo Cabangal, 50, magsasaka, habang ang suspek na kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ay nakilalang si Joey Cabangal.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas 6 ng umaga sa bahay ng suspek sa naturang barangay.

Nabatid sa mga awtoridad na nag-ugat ang pagbaril sa biktima dahil sa nagpipilit na ibenta nito ang kalabaw na pag-aari ng magkapatid.

Napag-alaman pa sa pulisya na hinabol ng biktima ang nakatatandang kapatid ni Joey na si Rex upang barilin ng shotgun subalit nakita ito ni Joey kaya inunahan nang barilin sa dibdib ang sariling ama na sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa salaysay ni Joey sa pulisya, nagalit umano sa kanila ang sariling ama dahil sa pinipigilan nilang ibenta ang kalabaw.

Idinagdag pa ni Joey na naibenta na ang una nilang kalabaw at gustong pa ng ama na ibenta pa ang ikalawang kalabaw na pag-aari nila kaya nagalit sa kanila ang ama na nagresulta upang mabaril niya ang biktima. (Ulat ni Leo Solinap)

vuukle comment

AGBOY

AYON

DAHIL

IDINAGDAG

ILOILO

ILOILO CITY

JOEY CABANGAL

KINILALA

LEO SOLINAP

RICARDO CABANGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with