Ang kautusan ay ipinalabas ni Regional Director Chief Supt. Roberto Calinisan kasunod ng isinagawang kilos-protesta noong Biyernes na nagbunsod ng pambabato ng di-kilalang rallyista na umanoy tagasuporta ni dating SBMA chairman Richard Gordon.
Sa halip, ang mayoryang grupo umano ng FSC na mahigit sa 5,000 manggagawa ay nagkonsentra lamang sa pangunguna ng mga barangay officials at mga city hall employees sa pagkondena hinggil sa kasalukuyang administrasyon ng SBMA.
Nagpakalat na si Calinisan ng daan-daang pulis sa paligid mula sa exit at entry points ng SBMA upang masiguro ang katahimikan at kaayusan doon. (Ulat ni Ellen Fernando)