^

Probinsiya

4 school owners pinaaresto

-
DAVAO CITY – Ipinag-utos ng isang huwes sa Regional Trial Court (RTC) dito ang pag-aresto sa apat na school owners na iniulat na nabigong mag-remit ng P2.2 million premiums ng kanilang mga empleyado sa Social Security System (SSS) simula pa noong 1997.

Ang kaso laban sa mga may-ari ng Agro-Industrial College Foundation ay iniharap ng SSS legal officer .

Kaugnay nito, inisyu ni RTC Branch 10 Judge Augusto Breva ang warrants of arrest laban kina Cirilo Basalo, Sofia Basalo, Placida Basalo at Aurelia Ramos, pawang may-ari ng nabanggit na paaralan.

Si SSS legal officer Lydia Galas naman ang siyang nagharap ng kaso laban sa mga nabanggit makaraang mabatid base sa SSS rekord na nabigo ang mga opisyal na i-remit ang premiums ng kanilang mga empleyado simula 1997 hanggang noong Marso ng taong kasalukuyan. (Ulat ni Edith Regalado)

AGRO-INDUSTRIAL COLLEGE FOUNDATION

AURELIA RAMOS

CIRILO BASALO

EDITH REGALADO

JUDGE AUGUSTO BREVA

LYDIA GALAS

PLACIDA BASALO

REGIONAL TRIAL COURT

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SOFIA BASALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with