Ito ang nabatid kay Bacolor Mayor Canlas Jr. na sinabing maaaring alam ng mga magnanakaw ang kasaysayan ng naturang antigong estatwa ni Santo Guillermo na tinatayang may 200 taong gulang na at nakalagak sa loob ng San Guillermo Parish Church sa Barangay Sta Barbara.
Binanggit pa ng alkalde na ang pugot at walang brasong life-size statue ni San Guillermo ay hindi na maisasama sa isasagawang prosisyon sa darating na linggo dahil sa kalagayang sinapit nito.
Nagpalabas naman ng P20,000 cash reward ang alkalde sa sinumang makapagtuturo sa nawawalang parte ng katawan ng statwa. (Ulat ni Jeff Tombado)