^

Probinsiya

2 Tsinoy tiklo sa drug bust

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Dalawang Filipino-Chinese na hinihinalang mga bigtime drug dealer ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Tarlac Provincial Police Office (TPPO) at ng Provincial Narcotics Field Group (PNFG) at nasamsam sa mga ito ang 300 gramo ng shabu sa Block 7, Barangay San Nicolas, Tarlac City, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nadakip na suspek na sina Amado Ho, 56, isang negosyante ng Block 7, Barangay San Nicolas sa naturang lalawigan at si Benito Ong, 59, residente ng M.H. Del Pilar Street, Barangay Sto. Cristo, Tarlac City.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sto. Cristo sa nasabing lugar dakong alas-10:45 ng gabi matapos na magpanggap na buyer ng naturang droga ang isang ahente ng PNFG sa mga suspek.

Matapos iabot ng mga ito ang ilang sachet na naglalaman ng shabu sa nagpanggap na buyer ay mabilis na inaresto ng mga awtoridad.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa posesyon ng mga suspek ang tinatayang 300 gramo ng high-grade shabu na nagkakahalaga ng P.5M pisong halagang street value. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

AMADO HO

BARANGAY SAN NICOLAS

BARANGAY STO

BENITO ONG

CRISTO

DALAWANG FILIPINO-CHINESE

DEL PILAR STREET

JEFF TOMBADO

TARLAC CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with