^

Probinsiya

Ama pinatay ng anak dahil sa manang lupa

-
BULAN, Sorsogon – Isang 51 anyos na ama ang nasawi matapos na ito ay walang-awang pagtatagain ng sariling anak na nagalit dahil sa ayaw ibigay ang kanyang mamanahing lupa kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Ang biktima na namatay agad ay nakilalang si Jess Galarosa, magsasaka at residente ng nasabing lugar dahil sa tama ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Samantala ang suspek ay ang anak nitong si Enrico, 21, may-asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar na mabilis namang naaresto ng pulisya.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas-7:00 ng gabi ay naghahanda ng hapunan ang ama ng makarinig ito ng sigaw mula sa lasing na anak sa labas.

Pinalalabas siya ng anak at nais kausapin ng sarilinan ukol sa mamanahing lupa na ayaw ibigay sa kanya.

Lumabas ang biktima at kinausap ang anak at sinabihan na huwag magsisigaw dahil siya ay lasing at nakakahiya sa kapitbahay.

Tinanong ng suspek ang ama kung bakit ayaw ibigay sa kanya ang mamanahing lupa subalit ang pagtatalo ay nauwi sa pagbunot ng itak ng una na nasa kanyang baywang.

Agad nitong pinagtataga ang ama sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa ito ay mapatay.

Hindi na nagawang makatakas ang suspek dahil sa mabilis na pagresponde ng pulisya na ngayon ay nakakulong sa Bulan Municipal Jail at nahaharap sa kasong parricide. (Ulat ni Ed Casulla)

BULAN MUNICIPAL JAIL

ED CASULLA

ENRICO

ISANG

JESS GALAROSA

LUMABAS

PINALALABAS

SAMANTALA

SORSOGON

TINANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with