Sentensyador ng tupada, inutas ng NPA rebels
November 11, 2000 | 12:00am
GUINOBATAN, Albay - Isang sentensiyador sa tupada ang bigla na lamang na bumulagta sa gitna ng sabungan matapos na ito ay barilin ng malapitan sa ulo ng umanoy limang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng hapon sa Barangay Mauraro ng bayan na ito.
Ang biktima na kaagad na nasawi ay nakilalang si Ruel Gabian, 35, may asawa, sentensiyador sa tupada at residente ng naturang lugar.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon ng ang biktima ay bigla na lamang nilapitan ng limang suspek at walang sabing pinagbabaril sa ulo at katawan.
Napag-alaman na ang biktima ay aktong dadamputin ang dalawang manok na naglalaban para sentensiyahan ng ito ay paulanan ng sunud-sunod na putok ng baril na kaagad na ikinamatay ng biktima.
Nabatid pa na ang mga suspek umano’y mga kabataan na may edad 18-20 anyos na pawang armado ng kal. 45 pistola at mga miyembro ng rebeldeng NPA.
Matapos ang ginawang pamamaril sa biktima ang limang suspek ay kaagad naman na naglakad papalayo sa tupadahan patungo sa direksyon na bulubundukin na lugar ng barangay.
Narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang 12 basyo ng bala ng kal. 45 na siyang ginamit sa pamamaslang ng umano’y mga rebelde na tinatayang pawang nasa ilalim ng test mission ng kilusan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended