LPG tanker sumabog: 3 katao todas

BAGABAG, Nueva Viscaya – Tatlong kalalakihan ang namatay at anim na kabahayan ang nasunog matapos bumaliktad ang isang LPG tanker truck na umiwas sa kasalubong na sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway Brgy. Villaros, ng nasabing bayan ayon sa ulat kahapon.

Ang nasawi ay nakilalang si Narciso Montero, 46, may asawa, driver ng North Point gas tanker na pag-aari ng isang Mario Tang habang hindi pa nakikilala ang dalawa nitong pahinante.

Sa report ni AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) Major General Arturo Carillo, na dakong alas-4:30 ng madaling araw ay binabagtas ng LPG tanker ang nasabing lansangan na naglalaman ng 18 libong kilo ng Liquified Petroleum Gas (LGP) na nagmula pa sa Batangas City.

Isang sasakyan ang mabilis na dumarating at babangga sa truck kaya’t ito ay iniwasan ni Montero na siyang naging dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela at bumaliktad.

Sa pagbaligtad ng truck ay sumabog ang laman ng LPG sa may kabahayan na mabilis na kumalat ang apoy.

Agad nasawi ang mga biktima dahil sa pagkaipit at pagkasunog ng kanilang truck habang wala namang naiulat na nasawi sa mga residente na mabilis na nakalabas sa kanilang mga tahanan.

Tinatayang umaabot sa P6 milyong piso ang naganap na sunog. (Ulat nina Felix Medrano Jr./Joy Cantos)

Show comments