Aburidong misis naglason
November 8, 2000 | 12:00am
LUCENA CITY Dahil sa pagkaaburido matapos hiwalayan ng kanyang mister, isang 31-anyos na ginang ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot sa loob ng isang hotel sa Barangay 3 sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt. Roberto Damian, chief of police sa lungsod na ito ang biktima na si Rowena Peñascosas, residente ng lungsod na ito.
Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng isang bell boy sa Lady Luck Hotel na nasa kahabaan ng M.L. Tagarao dakong alas-11:30 ng gabi.
Nakuha sa tabi ng biktima ang ilang pirasong mga tableta na pinaniniwalaang ininom nito na naging dahilan ng kanyang kamatayan. Isang suicide note rin ang natagpuan sa tabi ng biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest