Live-in ng ginang inutas ng anak
November 7, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 44-anyos na mister makaraan itong magtamo ng malalim na saksak sa dibdib na tumagos sa puso nito habang natutulog mula sa anak ng kinakasama nitong babae na tutol sa muling pag-aasawa ng kanyang ina kamakalawa ng hapon sa Brgy. Paliparan ng bayang ito.
Ang biktimang hindi na nagising mula sa kaniyang pagkakatulog matapos saksakin ay nakilalang si Victorino Gregorio Tara, karpintero, residente ng Excess Lot Phase 2 ng nasabing barangay.
Samantalang ang suspek na mabilis na tumakas dala ang ginamit na patalim ay nakilalang si Danilo Narvaez, 32, may-asawa, isang laborer at anak ng kinakasama ng biktima.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Cornelio Bugayong, na dakong alas-4 ng hapon ng maganap ang insidente ay kasalukuyang natutulog ang biktima sa kuwarto ng ina ng suspek na si Mrs. Linda ng pasukin ito ng suspek at agad sinaksak sa dibdib.
Nang masiguro nitong patay na ang biktima ay saka ito mabilis na tumakas dala ang di pa malamang patalim.
Lumalabas sa imbestigasyon na tutol umano ang suspek sa muling pag-aasawa ng kanyang ina at ang biktima na maging pangalawang ama. (Ulat nina Mading Sarmiento/Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Tony Sandoval | 13 hours ago
Recommended