^

Probinsiya

Mayor hinatulan ng 80 taong pagkabilanggo

-
SAN ANTONIO, Zambales – Hinatulan ng Sandiganbayan ng 40 hanggang 80 taong pagkabilanggo ang isang alkalde ng bayang ito matapos na mapatunayang nagkasala kaugnay sa pamemeke ng pampublikong dokumento noong 1995.

Sa 20-pahinang desisyon na nilagdaan ni Associate Justice Narciso Nario ng Sandiganbayan fourth division chair, inatasan din nito ang akusado na magbayad ng tig-P5,000 sa sampung kaso na kinakaharap ni Mayor Romeo Lonzanida ng San Antonio kaugnay sa isinampang kaso nina Efren Tayag, Elsi De Dios at Rene Abad.

Sa isang joint complaint, inakusahan ng tatlong nabanggit si Lonzanida sa tanggapan ng provincial prosecutor sa bayan ng Iba, Zambales noong taong 1995 matapos umano na gumawa ng isang huwad na affidavit si Lonzanida ng isang titulo ng lupa para sa kanyang tatlong anak.

Ayon sa isinumiteng affidavit, ang tatlong anak ni Lonzanida ay umakupa umano ng 45,958 metro kuwadradong lupa sa Sitio Talisayan, Barangay Pundaquit ng nasabing lugar sa loob ng 30 taon.

Subalit napag-alaman din ng korte na ang tatlong anak ng alkalde ay pawang mga menor-de-edad pa lamang noon at hindi kailan man aniyang maaaring umakupa sa loob ng mahabang panahon.

Samantala, kinasuhan din ng Sandiganbayan si Romulo Madarang, assistant treasurer ni Lonzanida matapos na mapag-alaman na sangkot din ito sa pamemeke ng nasabing dokumento makaraan na ang kanilang mga nilagdaan sa nasabing dokumento ay pawang mga huwad. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE NARCISO NARIO

BARANGAY PUNDAQUIT

EFREN TAYAG

ELSI DE DIOS

JEFF TOMBADO

LONZANIDA

MAYOR ROMEO LONZANIDA

RENE ABAD

ROMULO MADARANG

SAN ANTONIO

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with