^

Probinsiya

Magsasaka pinugutan ng kapitbahay

-
BUTUAN CITY – Isang magsasaka ang pinugutan ng ulo ng kanyang kapitbahay dahil sa pagtatalo kung sino ang dapat magmay-ari ng isang puno ng niyog kahapon ng umaga sa bulubunduking Barangay Don Francisco ng lungsod na ito kahapon ng umaga.

Bukod sa natanggal ang ulo, nagtamo ng anim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktimang si Teodoro Datoy, 61, biyudo, nakatira sa may Purok 4, Barangay Don Francisco, Butuan City.

Samantalang ang suspek ay nakilalang si Antonio Aguelles, 53, may-asawa at kapitbahay ng biktima na mabilis namang tumakas at pinaghahanap ng pulisya.

Ayon sa mga saksi, nagkaroon nang matinding pagtatalo ang dalawa dakong alas-7:05 sa isang punong niyog na nakatayo sa may boundary ng kanilang mga lupang sinasaka.

Nagkainitan ang pagtatalo dahil inaangkin ng isa sa kanila ang may-ari nito na humantong sa bunutan at tagaan ng mga itak na ikinamatay ng nakatatandang si Datoy. (Ulat ni Ben Serrano)

vuukle comment

ANTONIO AGUELLES

AYON

BARANGAY DON FRANCISCO

BEN SERRANO

BUKOD

BUTUAN CITY

DATOY

ISANG

NAGKAINITAN

TEODORO DATOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with