^

Probinsiya

Aircon bus sinunog ng NPA rebels

-
ATIMONAN, Quezon – Nagsagawa na naman ng panibagong pananabotahe ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Quezon nang kanilang sunugin ang isang aircon bus na pag-aari ng JAC Liner dahilan sa pagkabigo umano ng management na magbigay ng hinihinging revolutionary tax kamakalawa ng gabi sa Barangay Talaba ng bayang ito.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang sinunog na bus na may plakang NYS 899 at may body no. 318 na minamaneho ni Librando Cuales, 45 ng Pagbilao, Quezon.

Tinatayang aabot sa halagang P8 milyong piso ang nasirang ari-arian.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Benjamin Baute, dakong alas-10 ng gabi ay tinatahak ng naturang bus ang Maharlika Highway, sakop ng Barangay Tagbakin upang tumungo sa Calauag, Quezon ng sila ay parahin ng dalawang lalaki at dalawang babae.

Habang tumatakbo ang bus ay tinutukan ng dalawang lalaki ang driver at inutusang imaneho ang sasakyan patungo sa crossing ng Atimonan at Unisan habang nakasunod sa kanila ang isang passenger jeep na kinalululanan ng iba pang mga armadong rebelde.

Pagsapit sa pakay na lugar ay inutusan umano ng mga suspek ang driver, konduktor at mga pasahero ng bus na bumaba ng sasakyan at pagkaraan ay binuhusan ng gasolina hanggang sa ang bus ay masunog.

Habang nasusunog ang bus ay nagpakilalang mga NPA ang mga suspek at sinabing kaya nila ginawa iyon ay dahilan sa pagtanggi ng JAC Liner na magbigay ng revolutionary tax at pagkaraan ay nagsitakas sakay ng dalawang jeep at isang Toyota Revo patungo sa bayan ng Unisan. (Ulat nina Tony Sandoval/Joy Cantos)

BARANGAY TAGBAKIN

BARANGAY TALABA

BENJAMIN BAUTE

BUS

HABANG

JOY CANTOS

LIBRANDO CUALES

MAHARLIKA HIGHWAY

NEW PEOPLE

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with