Trader kinidnap ng MILF rebels
November 1, 2000 | 12:00am
Dinukot ng limang armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isang negosyante sa panibagong insidente ng kidnapping sa Lanao del Norte kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Danny Faisal Datu na kinidnap ng mga suspek sa Kolambugan ng nabanggit na lalawigan. Sa isang follow-up operations na isinagawa ng mga awtoridad, agad natukoy ang mga kidnappers sa pamumuno ng isang Cusain alyas Commander Tigre at ng mga tauhan nitong sina Mulok Angni, Surro Angni, Kadi Nasir at Kalid Ali Abdul. Ayon sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Panfilo Lacson, dakong alas-3:00 ng madaling araw ng isagawa ng mga suspek ang pagdukot sa biktima. Habang patungo sa pamilihang bayan ng Kolambugan. Tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang biktima na dinala sa direksiyon ng Iligan City lulan ng isang kulay puting Tamaraw FX. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended