Opisyal ng Ombudsman sinaksak sa loob ng bus, grabe
October 30, 2000 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isang 35-anyos na Regional Director ng Dulogbayan ng Ombudsman ang nasa malubhang kalagayan matapos manlaban sa apat na lalaki na tumangkang pumatay sa kanya habang sakay sa isang bus sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktima na si Dir. Mario Llobrera, 35, may asawa at residente ng San Antonio, Agoo, La Union.
Isa sa mga suspek ang nasugatan na si Nonito Pesimo, 18, naka-confine rin sa naturang pagamutan makaraang magantihan siya ng saksak ni Llobrera.
Samantala, pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga kasamahan ni Pesimo na sina Randy Vicente, 21; Roberto Obias, 22 at isang nakilala lamang sa pangalang Ragos, isang security guard, pawang mga residente ng naturang lungsod.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:50 ng gabi habang ang biktima ay lulan sa isang pampasaherong bus na JYQ Line na may plakang EVA-238.
Napag-alaman na habang nakaupo sa loob ng bus si Llobrera ay bigla na lamang inundayan ng saksak ni Pesimo.
Ngunit kahit may tama na ang biktima ay hindi siya nawalan ng loob at nakipag-agawan sa hawak na kutsilyo ni Pesimo hanggang sa tamaan din ang suspek sa katawan.
Nang makita ng mga kasamahan ni Pesimo na nasaksak ito ni Llobrera ay mabilis na nagsibaba sa bus at tumakas papalayo ang tatlo pang nabanggit niyang kasamahan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended