^

Probinsiya

Dalaga ni-rape ng 3 adik sa birthday party

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isang 17-anyos na dalaga ang halinhinang ginahasa ng tatlong umano’y mga drug addict matapos na painumin ng pampatulog sa isang birthday party sa Capitol Hills Subdivision ng Bgy. Lapidario, lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Superintendent Rizaldo Tungala, hepe ng pulisya rito, alas-7 ng gabi kamakalawa nang imbitahan ng kanyang mga kaibigan ang biktimang itinago sa pangalang Jennifer na dumalo sa isang birthday party sa kanilang lugar.

Ayon kay PO3 Edgardo Lantoc, may hawak ng kaso, matapos umanong isama ng kanyang mga kaibigan sa kanilang barangay ang biktima ay hindi na muli itong nakauwi sa kanilang tahanan.

Sinabi ng ina ng biktima na hinanap umano nila ang kanyang anak at ng kanilang matagpuan ay tulala pa ito at di makausap sa isang bakanteng lote sa nasabing subdivision.

Pinaghahanap na ng pulisya ang mga hinihinalang responsable sa panghahalay sa biktima na nakilalang sina Edwin Llanes, John Binalon at isang alyas Apog. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

APOG

AYON

BATAY

BGY

CAPITOL HILLS SUBDIVISION

CAVITE

EDGARDO LANTOC

EDWIN LLANES

JOHN BINALON

MADING SARMIENTO

POLICE SUPERINTENDENT RIZALDO TUNGALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with